March 14, 2025

Home BALITA Eleksyon

Ballot printing, matatapos ng Comelec hanggang Marso 15

Ballot printing, matatapos ng Comelec hanggang Marso 15
(file)

Inaasahang matatapos na ng Commission on Elections (Comelec) ang isinasagawang pag-iimprenta sa mga opisyal na balota na gagamitin para sa May 12 National and Local Elections (NLE) hanggang sa Sabado, Marso 15.

Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, hanggang nitong Huwebes, Marso 13, nasa 66 milyong balota na ang natapos nilang iimprenta.

Dahil dito, nasa 1.4 milyong balota na lamang ang kailangan nilang ilimbag.

Ani Garcia, ang mga ito ay inaasahang matatapos nilang i-print hanggang ngayong Biyernes ng gabi.

Eleksyon

Imee Marcos, 'di raw dadalo sa Alyansa rally dahil hindi matanggap ginawa kay FPRRD?

Gayunman, ang reprinting aniya, na nasa 2.3 milyong balota, ay matatapos naman nila hanggang sa Sabado.

“Matatapos bukas ng gabi ang printing ng balota, may ilan lang tayong reprints… Mga Sabado ng umaga matatapos na kasama ang reprints,” pahayag pa ng poll chief.

Matapos naman aniya ang pag-iimprenta ng mga balota ay tututukan na nila ang beripikasyon ng mga ito, na inaasahan namang matatapos hanggang sa Abril.

“Ang verification aabutin pa kami ng bandang mga April katulad ng nabanggit natin dati. At least yung printing kung matatapos tayo hanggang Sabado, maaga pa rin base sa ating naging declaration dati,” ani Garcia.

Sa kasalukuyan ay nasa 33 milyong balota pa lamang ang naberipika ng Comelec.