March 12, 2025

Home BALITA National

VP Sara, posible raw manalong pangulo dahil sa pag-aresto sa ama

VP Sara, posible raw manalong pangulo dahil sa pag-aresto sa ama
CONTRIBUTED PHOTOS

Sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na dahil sa pag-aresto sa kaniya ay posible raw manalo ang kaniyang anak na si Vice President Sara Duterte kung tatakbo itong pangulo sa 2028 national elections.

"Unang-una, I don't know, but my family, lalo na si Vice President, if bukas mag-presidente 'yan eh 'di waswas tayong lahat dito or on a longer term. Kung tatakbo yan, mananalo yan dahil nga sa ginawa n'yo tuloy," saad ng dating pangulo sa video na ibinahagi ng anak niyang si Kitty sa Instagram noong Martes, Marso 11, habang nasa Villamor Air Base pa siya.

Matatandaang noong Martes ng umaga, Marso 11, nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si Duterte mula sa Hong Kong, at saka siya dinala sa Villamor Air Base sa bisa raw ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC)  para sa “krimen laban sa sangkatauhan" na kaugnay sa kaniyang War on Drugs. 

BASAHIN: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang

National

Korte Suprema walang TRO para kina FRRD, Sen. Bato

Matapos ang mahigit 10 oras na pagkakaaresto, isinakay si Duterte sa isang eroplano na lilipad patungo umano The Hague, Netherlands.

Ilang minuto ng pag-alis ng dating pangulo, kinumpirma mismo ni Pangulong Bongbong Marcos na dadalhin nga ito sa Netherlands para sa paglilitis ng ICC.

BASAHIN: PBBM, kinumpirma na dadalhin si ex-Pres. Duterte sa The Hague

Sinabi ni Marcos na ang pag-aresto kay Duterte ay alinsunod sa commitment ng bansa sa Interpol at hindi "political persecution."

BASAHIN: Ex-Pres. Duterte, inaresto alinsunod sa commitment ng 'Pinas sa Interpol—PBBM

BASAHIN: PBBM, itinangging 'political persecution' pag-aresto ng ICC kay FPRRD