March 12, 2025

Home BALITA National

Sen. Bato, binasag na katahimikan: 'Ready to join the old man!'

Sen. Bato, binasag na katahimikan: 'Ready to join the old man!'
Photo courtesy: PCO

Naglabas na ng pahayag  si reelectionist Senator Ronald “Bato” Dela Rosa hinggil sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pamamagitan ng kaniyang Facebook account, sinabi niyang nakahanda na raw niyang samahan ang "old man," na espekulasyon ng mga netizen, ay tumutukoy kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“If all legal remedies are exhausted and still justice is to no avail, then I don’t want my family to suffer from cops looking for a heartbeat. I am ready to join the old man hoping that they would allow me to take care of him,” ani Dela Rosa. 

Matatandaang ilang netizens ang pumuna sa umano’y tila pananahimik ni Dela Rosa, kasunod nang paghahain ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Duterte noong Martes, Marso 11, 2025.

National

Lumang post ni 'Thinking Pinoy' kinalkal ng netizens

KAUGNAY NA BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO

Si Dela Rosa ang noo’y hepe ng Philippine National Police (PNP) nang ipatupad ni dating Pangulong Duterte ang madugong kampanya kontra droga kung saan sinasabing nasa 30,000 umano ang nasawi. 

Samantala, matapos arestuhin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), tuluyan nang dinala patungong The Hague sa The Netherlands si dating Pangulong Duterte kung saan nakatakda siyang imbestigahan. 

KAUGNAY NA BALITA:  PBBM, kinumpirma na dadalhin si ex-Pres. Duterte sa The Hague