March 12, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Rosmar trending dahil sa pagtindig para kay FPRRD

Rosmar trending dahil sa pagtindig para kay FPRRD
Photo courtesy: Rosemarie Tan-Pamulaklakin (FB)/via MB

Trending sa X ang social media personality na si "Rosemarie Tan Pamulaklakin" o mas kilala bilang "Rosmar Tan" matapos hayagang magpahayag ng kaniyang pagtindig para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Photo courtesy: Screenshot from X/Richard de Leon (BALITA)

Kumakalat sa social media ang screenshots ng kaniyang pagsuporta sa dating pangulo, na inaresto ng International Criminal Court (ICC) sa pamamagitan ng warrant of arrest noong Martes, Marso 11, matapos lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, galing Hong Kong.

Dinala siya sa Villamor Air Base sa Pasay City, at kinagabihan, inilipad na siya patungong The Hague, The Netherlands sakay ng isang private plane.

Mababasa sa Facebook post ni Rosmar, "Di ko alam bakit awang awa ako sa ginagawa nila ngayon kay tatay Digong. Kahit ako si kitty same reaction din masasabi at gagawin ko kung tatay ko na pinag uusapan tapos gusto pa dalhin kung saan."

Tsika at Intriga

Rosmar kay FPRRD: 'Malakas lang siya tingnan kasi matapang... pero lolo na siya!'

Photo courtesy: Rosemarie Tan Pamulaklakin (FB)

Sa isa pang Facebook post, "Malakas lang sya tingnan kasi matapang sya pero lolo na sya. Di nya deserve ung treatment na ginagawa sakanya ngayon. Aminin nyo nung panahon nya pakiramdam natin ang safe gumala sa Pinas. Tapos ganyan lang nararanasan nya ngayon."

Photo courtesy: Screenshot from Rosemarie Tan Pamulaklakin (FB)

Panghuli, ibinahagi rin niya ang "generic post" ng mga tagasuporta ng dating pangulo.

"I STAND WITH FPRRD!"

"My support is clear, and I won’t apologize for it. If you don’t like it or it bothers you, feel free to unfriend me now.

No hard feelings!"

Photo courtesy: Screenshot from Rosemarie Tan Pamulaklakin (FB)

Marami naman sa mga netizen na gaya niyang tagasuporta ng dating pangulo ang nakiayon kay Rosmar.

"Katuwang mo kami pag sisisihan nila ang ginagawa nila kay tatay digong"

"Napaka safe dati.. dika takot lumabas.. mga anak naten safe na safe.. konti lang ang mga magnanakaw.."

"Yes tama ka Rosmar!"

"I agree!"

"Grabe nga te hayyys."

Sa kabilang banda, marami rin ang umokray at sumita sa kaniya.

"Di naman nakakapagtaka kasi bobo ka naman talaga, beh."

"Rosmar diba graduate ka sa Far Eastern University Batch 2015 at nasa section 1 ka???? ANO ITO????!!!! "

"Aling rosemar marami dng matatanda na nagwork sa ABS na tinaggalan nya ng kabuhayan...Sana maisip m dn un kaloka ka"

"Hindi. Pakiramdam ko nun time nya lagi nasa panganib buhay ko kc kahit cno pwede nila patayin. Nun panahon nya walang kwenta ang buhay ng mga Pilipino kc pag napag initan nya tapos buhay mo."

"Mali ka, ramdam ko noon. Na ang pulis, baka ako mapag-tripan."

Samantala, wala pa siyang tugon, reaksiyon, o pahayag sa mga batikos na natanggap niya dahil dito.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, inaresto alinsunod sa commitment ng 'Pinas sa Interpol—PBBM

MAKI-BALITA: PBBM, itinangging 'political persecution' pag-aresto ng ICC kay FPRRD