Dismayadong ibinahagi ni Miss Cosmo 2025 runner-up Chelsea Fernandez ang pagkawala ng kaniyang perang nasa halagang ₱100,000 sa sinakyang ride-hailing app kamakailan.
“She doesn’t know it yet, but after this event, she’ll lose ₱100k after leaving it in the car she booked and no one will help and cooperate,” saad ni Chelsea sa kaniyang post, kung saan mapapanood din ang pagrampa niya sa Miss Philippines coronation night bago ang insidente.
Bagama’t hindi direktang pinangalanan ni Chelsea ang na-book na ride-hailing app sa post, mababasa sa comment section na “InDrive” ang tinutukoy niyang Transport Network Vehicle Services (TNVS), at aniya, wala raw tumulong at nakipag-coordinate sa kaniya upang makuha muli ang pera.
“@indrive.ph please COOPERATE!!” komento ng fashion designer na si Jian Lasala.
“I hope this gets sorted out Chels. ,” dagdag pa niya.
“@jianlasala yes sir grabe nakakapang lumo ,” reply naman ni Chelsea.
Ang ilang fans at followers naman, todo suporta pa rin sa pagkadismaya ng beauty queen.
“ Be strong Queen”
“I pray you'll be okay Ms @chelsfernandez_ ”
“hopefully mabalik chichi ”
“OMG so sorry this happened @chelsfernandez”
“Hugs Queen ”
Samantala, sinubukan na nga BALITA na kunin ang panig ng InDrive hinggil sa insidente, ngunit wala pa silang tugon o anumang pahayag.