Nagbahagi ng paglilinaw si Sen. Jinggoy Estrada kaugnay sa pahayag niya na itago ang Closed-Circuit Television (CCTV) matapos ang naganap na putukan sa Senate Hall noong Miyerkules ng gabi, Mayo 13.
Kung saan umalingawngaw ang mga putok ng baril sa loob ng Senado mula umano sa mga miyembro ng Senate Office of the Sergeant-At-Arms at National Bureau of Investigation (NBI).
KAUGNAY NA BALITA: ‘We are allegedly under attack! SP Cayetano, nanindigang ‘di iiwan si Sen. Bato-Balita
KAUGNAY NA ULAT: Brawner, pinagtanggol mga sundalo sa Senado; 'di raw nagpaputok ng baril!-Balita
KAUGNAY NA BALITA: Senate sergeant-at-arms Mao Aplasca, tinangging 'staged' putukan sa Senado!-Balita
Ayon sa mga ulat, usap-usapan ang pag-aatas ni Sen. Jinggoy na itago ang CCTV, na siyang rinig na rinig mismo sa kaniyang Facebook live noong matapos ang putukan.
“Itago n’yo ‘yong CCTV!” maririnig na sinabi ni Sen. Jinggoy sa kaniyang Facebook live.
Paliwanag ng mambabatas, ipinag-utos ni Sen. Alan Peter Cayetano ang pag-secure ng CCTV footages na makapagsasabi ng mga tunay na nangyari noong nagaganap ang tensyon sa Senado.
Giit pa niya, wala umanong bahid ng ibang kahulugan ang nasabing pahayag—malinaw at direkta raw ang mga ito.
Ani Estrada, layon ng direktibang itago ang CCTV footages upang magamit bilang ebidensya sa naturang putukan.
Matatandaang nanindigan naman si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na ipaaalam nila sa publiko ang magiging resulta ng kanilang imbestigasyon—katuwang ang Philippine National Police—kaugnay sa naturang isyu.
KAUGNAY NA BALITA: ‘We have yet to validate:’ NBI wala pang ideya patungkol sa pag-alis, kinaroroonan ni Sen. Bato-Balita