Tinangay ng hindi pa nakikilalang kawatan ang isang 800 taong gulang na pinaniniwalaang bungo ng isang Santo.
Ayon sa mga ulat, nangyari ang insidente sa isang simbahan sa northern Czech Republic kung saan nakalagak ang display box na pinaglalagyan ng umano'y bungo ni Saint Zdislava of Lemberk.
Batay sa pahayag ng Czech Republic Police, nahagip sa CCTV ang pagtangay ng kawatan ng nasabing bungo subalit hindi pa natutukoy ang kaniyang pagkakakilanlan.
Si Saint Zdislava of Lemberk ay pinaniniwalaang namuhay sa mundo noong 1220 hanggang 1252 at kilala umano bilang mapagbigay sa mga mahihirap.
Siya na-canonize noong 1995 sa pangunguna noon ni Pope John Pope II.
Samantala, kinondena na ng simbahan ang nangyaring insidente at anila'y paglapastangan sa paniniwala ng Simbahang Katolika.
"This is devastating news," anI Prague Archbishop Stanislav Pribyl sa media.
"The skull was revered by pilgrims... I cannot believe that someone practically in broad daylight steals from church a relic whose value is above all historical and also spiritual for believers," dagdag pa niya.
Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad.