Wala raw ideya si dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo kung nasaan si Senador Ronald "Bato" Dela Rosa, nang matanong siya ng media habang nasa labas ng Supreme Court, kaugnay sa inihain na petisyon ni dating presidential daughter Veronica "Kitty" Duterte tungkol sa pagkakaaresto ng amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng International Criminal Court (ICC).
Sa video na ini-upload sa Teleradyo Serbisyo ng ABS-CBN, natanong si Panelo kung may ideya siya kung nasaan si Sen. Bato.
"Hindi ko alam," saad ni Panelo.
Ngunit makahulugan naman ang tugon ng abogado nang matanong kung nasaan naman si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.
"Naku lalo na, hindi ko kilala 'yon," aniya.
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Sen. Bato o Atty. Roque tungkol dito.