Napa-throwback ang netizens sa “pagkakaibigan” nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 matapos ang pagkadakip ng huli.
MAKI-BALITA: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang
Sa Facebook post ni Marcos, Jr. noong Hunyo 11, 2016, pinasalamatan niya si Duterte kalakip ang larawan nila na magkasama.
“Salamat sa aking matalik na kaibigan na si Rody Duterte. Ito ang tunay na walang iwanan,” saad ni Marcos, Jr. sa caption.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"What a snake in a human form "
"Most corrupt president ever "
"Manloloko"
"Matic na kaibigan gi pabayaan gay nmo"
"Ngiti ng traydor"
"Tunay kaba talagang kaibigan?"
Samantala, itinanggi naman ni Marcos, Jr. na ang pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) sa dating pangulo ay isa umanong “political persecution.”
MAKI-BALITA: PBBM, itinangging 'political persecution' pag-aresto ng ICC kay FPRRD
Matatandaang kaalyado ng anak ni Duterte na si Vice President Sara Duterte si PBBM noong 2022 national elections sa ilalim ng UniTeam.
Ngunit kalaunan ay nagkaroon ng lamat ang dalawa simula nang magbitiw ang bise-presidente bilang chairperson at miyembro ng Lakas-CMD dahil umano sa “political toxicity” o “execrable political powerplay.”