May 21, 2026

Home BALITA Politics

Torre, sinakyan ‘habulan’ sa Senado para mag-promote ng Fun Run

Torre, sinakyan ‘habulan’ sa Senado para mag-promote ng Fun Run
Photo courtesy: Nicolas Torre III (FB screenshot), Senate of the Philippines

Nakisakay si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Gen. Manager Nicolas Torre III sa nag-viral na pakikipaghabulan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa National Bureau of Investigation (NBI) agents noong Lunes, Mayo 11, upang i-promote ang nalalapit niyang fun run. 

“Dahil sobrang nauso ang takbuhan kahapon, naisip kong iremind kayo sa ating takbuhan,” caption ni Torre sa kaniyang Facebook reel nitong umaga ng Martes, Mayo 12. 

Mapapanood din sa nasabing reel na ipinapakita ni Torre ang kaniyang life-sized standee, na kuha mula sa na-unsyaming boxing match niya kay Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte noong Hulyo 2025. 

MAKI-BALITA: Naunsyaming tapatang Duterte-Torre, pumaldo ng tinatayang ₱15M

Hawak pa ni Torre ang fun run shirt sa kaniyang promotion habang nakangiti.

Politics

Sen. Loren, niligwak na rin ng Kislap Diwa na pinangangasiwaan niya!

Ang netizens, hindi naman pinalagpas na magpatutsada at agad ikonekta kay Dela Rosa ang naging promotion ni Torre. 

“Pwedeng pwede si bato dyan sir ambilis tumakbo e”

“Sir gen ikaw ata hinihintay para huliin si bato sa senado”

“Good morning, Sir Gen Torre! Ikaw lang may will and determination para hulihin si pebbles!! Go go go! Yung isa puro pa-pogi lang eh

“Haay... kung ikaw lang sana humuli kahapon sir malamang masaya na si Tatay Digs ngayon may kasama na siya sa The Hague…”

“Pwede ba mag barong General? Para feel na feel ko yung pag takbo. Haha!”

“Kung si GenTorre yun, nakasakay na ng eroplano yung damuhong na yun”

“General puede ba ang finish line sa stairs ng senate ”

Matatandaang nakita sa CCTV footage ng Senado ang naging pagtakbo ni Dela Rosa kaugnay ng inilabas na arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban sa kaniyang noong Mayo 11. 

MAKI-BALITA: 'Legit!' ICC, kinumpirma arrest warrant laban kay Dela Rosa

KAUGNAY NA BALITA: 'Dream come true daw?' Netizens, binalikan dating post ni Sen. Bato Dela Rosa