April 29, 2026

Home BALITA National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Eastern Samar nitong Martes ng hapon, Marso 11, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:25 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 27 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hernani, Eastern Samar, na may lalim na 24 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Instrumental Intensity I sa City of Borongan, EASTERN SAMAR.

National

'Magreklamo na sila!' Rep. Luistro, bumanat sa kampo ni VP Sara

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng lindol.