March 12, 2025

Home BALITA

China, binabalaan umano ang ICC hinggil sa pag-aresto kay Duterte

China, binabalaan umano ang ICC hinggil sa pag-aresto kay Duterte
BALITA FILE PHOTOS

Binabalaan umano ng bansang China ang International Criminal Court (ICC) laban sa "politicisation" at "double standards" umano nito matapos ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes, Marso 11.

Matatandaang nitong Martes ng umaga nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si Duterte mula sa Hong Kong, at saka siya dinala sa Villamor Air Base.

MAKI-BALITA: Dating Pangulong Duterte, dinala sa Villamor Airbase

Kasunod nito ay kinumpirma ng Malacañang na natanggap na ng INTERPOL Manila ang opisyal na kopya ng warrant of arrest ng dating pangulo mula sa ICC.

National

Paglilitis kay FPRRD, posibleng abutin ng 8 taon—ICC assistant to counsel

MAKI-BALITA: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang

Samantala, sa ulat ng isang international news outlet, hiningian umano ng pahayag si foreign ministry spokeswoman Mao Ning sa isang press briefing.

“This is an important breaking news event. China has noted the relevant information and is closely monitoring the development of the situation,” saad nito. 

Dagdag pa niya, "I would like to reiterate that China has consistently advocated that the International Criminal Court should strictly follow the principle of complementarity, exercise its authority with caution according to the law, and avoid politicization and double standards."