March 12, 2025

Home BALITA National

Baste Duterte, pinatutsadahan PBBM admin: 'The smell of desperation'

Baste Duterte, pinatutsadahan PBBM admin: 'The smell of desperation'
(Photo courtesy: Baste Duterte/FB; file photo; Kitty Duterte/IG)

Matapos ang pagkaaresto ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte, pinatutsadahan ni Davao City Mayor Baste Duterte ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Matatandaang nitong Martes ng umaga, Marso 11, nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si FPRRD mula sa Hong Kong, at saka siya dinala sa Villamor Air Base sa bisa raw ng arrest warrant ng ICC para sa “krimen laban sa sangkatauhan.”

MAKI-BALITA: Dating Pangulong Duterte, dinala sa Villamor Airbase

Kaugnay nito, iginiit ni Baste na ginagamit umano ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagkaaresto sa kaniyang ama upang ilihis ang isyu ng “national budget.”

National

Birthday greetings ng CIDG kay PMGEN Torre, dinogshow ng netizens

“They are insisting that PRRD get on a plane to who knows where using an ICC warrant which does not have jurisdiction in this country. Clowns behaving like clowns again. This has to end,” ani Baste sa isang Facebook post nitong Martes.

“Bongbong Marcos admin is fantasizing that this scenario would materialize hoping that the issue on the national budget would just go away. The smell of desperation,” giit pa niya.

Matatandaang nauna nang kumpirmahin ng Malacañang nito ring Martes na natanggap na ng INTERPOL Manila ang opisyal na kopya ng warrant of arrest kay dating pangulo mula sa ICC.

MAKI-BALITA: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang

Samantala, habang sinusulat ito’y wala pang pahayag mismo si PBBM hinggil sa nasabing pagkaaresto ni FPRRD o sa sinabi ni Mayor Baste.