March 10, 2025

Home BALITA Politics

Tañada sa sinilbi umanong arrest warrant ng ICC kay FPRRD: 'It's a step forward'

Tañada sa sinilbi umanong arrest warrant ng ICC kay FPRRD: 'It's a step forward'
Photo Courtesy: Screenshot from One PH (YT), MB file photo

Nagbigay ng pananaw si human rights lawyer at ML Party-list 3rd nominee Atty. Erin Tañada kung gaano raw kalaking panalo para sa mga biktima ng giyera kontra droga ang mga kumakalat na kuwentong may arrest warrant na ang International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

Sa latest episode ng “Morning Matters” nitong Lunes, Marso 10, sinabi ni Tañada na isa umano itong “step forward” ngunit hindi “ultimate goal.”

“It’s a step forward. It’s not the ultimate goal. The ultimate goal is to hold president Rodrigo Duterte accountable,” saad ni Tañada.

Dagdag pa niya, “You don’t do peace and order and start killing people just because of that mission that you had. Murder is a crime. And any number of murders pursuant to that goal could really get you into the eyes of the ICC.”

Politics

Marcoleta, nagtampo sa media

Matatandaang nagsimula ang usap-usapang sinilbihan ng ICC si Duterte ng arrest warrant nang mapabalitang pumunta siya sa Hong Kong noong Linggo, Marso 9.

MAKI-BALITA: Malacañang, walang kumpirmasyon sa umano’y arrest warrant ng ICC vs FPRRD

Ngunit ayon sa Malacañang, wala raw silang kumpirmasyon tungkol sa inisyung arrest warrant sa dating pangulo.

MAKI-BALITA: FPRRD, VP Sara, nagpunta raw sa Hong Kong para sa PDP sortie

Samantala, batay naman sa bersyon ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, hindi raw galing sa ICC ang usap-usapang arrest warrant kay Duterte kundi para sa kasong incitement of sedition.

MAKI-BALITA: Warrant of arrest ni FPRRD, 'di galing sa ICC; tungkol sa kasong sedisyon?—Roque