March 10, 2025

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Rey Valera, ramdam na 'di mananalo si Sofronio Vasquez noon sa TNT

Rey Valera, ramdam na 'di mananalo si Sofronio Vasquez noon sa TNT
Photo Courtesy: Screenshot from Berndette Sembrano (YT), Sofronio Vasquez (IG)

Ibinahagi ni Original Pilipino Music (OPM) icon Rey Valera ang naging pananaw niya kay Pinoy pride Sofronio Vasquez nang sumalang ang huli sa “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime.”

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano noong Linggo, Marso 9, sinabi ni Rey na ramdam daw niyang hindi mananalo noon si Sofronio sa nasabing singing competition.

 “‘Yong Sofronio sa ‘Tawag ng Tanghalan,’ ramdam kong hindi siya mananalo. Pero ang gusto kong sabihin sa kaniya, ‘wag kang masiraan ng loob,” saad ni Rey.

Dagdag pa niya, “Dahil alam ko na ang mangyayari, ‘di siya mananalo. Pero nakikita mo na magtatagumpay siya dahil ikaw nakalampas ka do’n. Gano’n din ang aabutin niya. Parang gano’n,”

Musika at Kanta

Lani Misalucha, inokray sariling ilong: 'Para 'kong galing sa Mars!'

Ayon kay Rey, alam daw niyang magtatagumpay si Sofronio kahit saan man daw ito mapunta dahil sa taglay nitong persistent.

Matatandaang matapos manalo sa “The Voice USA” noong Disyembre ay sinariwa ng netizens ang komento ni Rey kay Sofronio matapos nitong umawit sa “Tawag ng Tanghalan.”

MAKI-BALITA: Rey Valera, nagdilang-anghel sa hulang magtatagumpay si Sofronio Vasquez