May 12, 2026

Home BALITA National

4.8-magnitude na lindol, tumama sa Davao Oriental

4.8-magnitude na lindol, tumama sa Davao Oriental
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng 4.8-magnitude na lindol ang probinsya ng Davao Oriental dakong 1:52 ng hapon nitong Lunes, Marso 10, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Namataan ang epicenter nito 20 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Baganga, Davao Oriental, na may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Nabunturan, DAVAO DE ORO.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Diokno, iginiit na no choice ang Senado litisin impeachment case vs VP Sara!

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.