March 10, 2025

Home BALITA National

3 weather systems, patuloy na nakaaapekto sa PH – PAGASA

3 weather systems, patuloy na nakaaapekto sa PH – PAGASA
Courtesy: PAGASA/website

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes, Marso 10, na tatlong weather weather systems ang patuloy na nakaaapekto sa bansa.

Base sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang magdudulot ang weather system na shear line, o ang linya kung saan nagsasalubong ang mainit at malamig na hangin, ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms sa Cordillera Administrative Region, Mainland Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, at Albay.

Malaki rin ang tsansang magdudulot ang ikalawang weather system na easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, ng maulap na kalangitan na may kasamang mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Caraga, Davao Region, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, Eastern Samar, Leyte, at Southern Leyte.

Pinag-iingat ng PAGASA ang mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

National

Malacañang, ‘di pa makumpirma kung may arrest warrant na ang ICC vs FPRRD – PCO

Samantala, inaasahang magdadala ang ikatlong weather system na northeast monsoon o amihan ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated light rains sa Batanes at Babuyan Islands. Wala namang inaasahang malaking epekto ang magiging mga pag-ulan dito.

Medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms naman ang inaasahang mararanasan sa Ilocos Region bunsod ng shear line, at maging sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dulot naman ng easterlies.

Posible ang pagbaha o pagguho ng lupa sa naturang mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na anumang low pressure area (LPA) o iba pang bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).