Nausisa si Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Francel Padilla kung paano niya hinaharap ang diskriminasyon bilang babae sa sandatahan.
Sa latest episode ng “KC After Hours” noong Sabado, Marso 8, sinabi ni Padilla na sa palagay niya ay nag-evolve na raw ang AFP.
“I think, ma’am, nag-evolve na ang AFP. [...] Mayro’n pa rin siguro [diskriminasyon] in a sense. But hindi mo na siya gano’ng mararamdaman,” saad ni Padilla.
Dagdag pa niya, “Hindi ko naman naranasan na talagang as in dinown ako…sa pagiging babae ko if you’re able to prove to people na kaya mo to deliver certain things.”
Pero hindi naman itinanggi ni Padilla na nakaramdam din siya na sa pag-angat niya ay may ilang humihila sa kaniya pababa.
Aniya, “Siyempre, ma’am, sa life naman natin is not always gonne ba rainbows and butterflies. So other than the challenge that I had losing my husband and, you know, thriving from that.
“Of course, nandyan na ‘yan. You will not always be everyone’s cup of tea. And I accept that,” dugtong pa ni Padilla.
Matatandaang si Padilla ang kauna-unahang babaeng naging tagapasalita ng AFP.