March 10, 2025

Home BALITA National

Abra, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Abra, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Abra nitong Linggo ng hapon, Marso 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:43 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 9 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Danglas, Abra, na may lalim ng 10 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Sinait, ILOCOS SUR; City of Laoag, ILOCOS NORTE.

National

PCO usec. sa sinabi ni VP Sara na iniwan na ng gov’t ang OVP: ‘Baka siya ang nang-iwan!’

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.

Matatandaang kanina lamang 8:18 ng umaga nang yanigin din ang Abra ng magnitude 4.1 na lindol.

MAKI-BALITA: 4.1-magnitude na lindol, yumanig sa Abra