April 18, 2025

Home BALITA National

4.1-magnitude na lindol, yumanig sa Abra

4.1-magnitude na lindol, yumanig sa Abra
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang magnitude 4.1 na lindol ang yumanig sa Abra dakong 8:18 ng umaga nitong Linggo, Marso 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Namataan ang epicenter nito 10 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Bangued, Abra, na may lalim ng 5 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Intensity II - Sinait, ILOCOS SUR

Intensity I - City of Laoag, ILOCOS NORTE

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.