Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Lanao del Sur dakong 5:13 ng hapon nitong Sabado, Marso 8, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Namataan ang epicenter nito 7 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Wao, Lanao del Sur na may lalim na 10 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity II - Kalilangan at Malitbog, BUKIDNON
Intensity I -San Fernando, BUKIDNON
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.