Nakiusap si Philippine Basketball Association (PBA) player Caelan Tiongson sa fans ni BINI member Aiah Arceta.
Sa panayam ng ABS-CBN News noong Biyernes, Marso 7, sinabi ni Caelan na hangad daw niyang irespeto ng publiko ang boundaries ni Aiah at maranasan nito ang isang romantikong relasyon sa hinaharap.
"If Aiah is pursuing a romance with someone in the future, I would hope her fans would respect and clear that up just because that’s something that she has a right to experience,” saad ni Caelan.
Dagdag pa niya, “The story really isn’t what it seems right now and look how crazy and twisted it could get.”
Matatandaang nali-link ang dalawa sa isa’t isa matapos maispatan nang dalawang beses si Aiah na nanonood sa laro ni Caelan.
MAKI-BALITA: PBA player na iniuugnay kay BINI Aiah, nagsalita na
MAKI-BALITA: BINI Aiah, nagsalita na matapos muling maispatan sa laro ni Caelan Tiongson