March 09, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Mark Alcala, nakapasok na nga ba sa puso ni Kathryn Bernardo?

Mark Alcala, nakapasok na nga ba sa puso ni Kathryn Bernardo?
Photo Courtesy: Screenshot from Ogie Diaz Showzbi Updates (YT)

Inungkat muli ni showbiz insider Ogie Diaz ang panliligaw umano ni Lucena City Mayor Mark Alcala kay Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Showbiz Updates” noong Huwebes, Marso 6, sinabi ni Ogie na bagama’t nabanggit na niya kamakailan na magtropa lang daw ang sina Mark at Kathryn ay hindi pa rin maiaalis ang posibilidad na magkatuluyan ang dalawa.

Ayon sa showbiz insider, ilang beses daw niyang tinanong si Mark tungkol sa panliligaw nito kay Kathryn. Ngunit bigo siyang nakatanggap ng malinaw na sagot kaya ipinapaglagay niyang totoo ang tsika.

“Kailan sila naging sila, Nay?” usisa ni Mama Loi.

Tsika at Intriga

Depensa umano ng babaeng naokray dahil sa 'family-oriented,' usap-usapan

Sagot ni Ogie, “Ang sabi sa akin ng aking source [...] it’s either November or December [naging sila]. E, no’ng November 13 ipinalabas ‘yong ‘Hello, Love, Again.’” 

“Siyempre kung ako si Mayor Alcala, hindi ako papasok sa eksena kasi KathDen ‘yan, e. Ito ‘yong kasagsagan ng showing, e. Inabot ng isang buwan ang showing niyan,” dagdag pa niya.

Matatandaang unang naiulat sa Philippine Entertainment Portal (PEP) ang tungkol sa umano’y panliligaw ni Mark kay Kathryn noong Hulyo 2024.

MAKI-BALITA: Lucena Mayor Mark Alcala, bagong manliligaw ni Kathryn Bernardo?

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang reaksiyon o pahayag sina Kathryn at Mark hinggil dito. Bukas ang Balita para sa kanilang panig.