March 09, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na matapos muling maispatan sa laro ni Caelan Tiongson

BINI Aiah, nagsalita na matapos muling maispatan sa laro ni Caelan Tiongson
Photo Courtesy: Aiah Arceta, Caelan Tiongson (IG)

Binasag na ni BINI member Aiah Arceta ang kaniyang katahimikan kaugnay sa pagkaka-link kay Philippine Basketball Association (PBA) player Caelan Tiongson.

Sa ikalawang pagkakataon kasi ay muling siyang naispatan kamakailan sa laro ni Caelan sa laban nito kontra TNT Tropang Giga.

Kaya sa X post ni Aiah noong Huwebes, Marso 6, sinabi niyang malay umano siya sa mga nangyayari at interesanteng makita kung paano ito naging malaking isyu sa ilan.

Aniya, “It’s also fascinating to observe how quickly noise can grow and how many people can misunderstand so many things.”

Tsika at Intriga

Dingdong sinabihan kapwa taxpayers, maging mapagmatyag sa ibinabayad na buwis!

“I also notice that almost everyone I hang out with or surround myself with gets linked, no matter who they are whether it’s a friend, a superior, or even a relative which I find is unfortunate,” dugtong pa ni Aiah.

Kadalasan, hindi naman daw nababahala si Aiah kapag may ganitong isyu. Hinahayaan na lang niya dahil alam naman daw niya ang totoong nangyayari.

“But this time,” sabi niya, “it pains me to see that the people who make me feel safe, calm, and normal, and those who contribute to my happiness are being ridiculed and made fun of online.”

Dagdag pa ni Aiah, “My friends have been such a great help to me, especially lately, and I think they don’t deserve the hate.”

Sa huli, hiniling na lang niyang maging mabuti ang bawat isa sa kapuwa. Dahil libre lang naman daw ito at kinakailangan ng lahat.

Matatandaang nauna nang nagsalita si Caelan hinggil sa isyung ito matapos unang mamataan si Aiah sa laro niya.

MAKI-BALITA: PBA player na iniuugnay kay BINI Aiah, nagsalita na