March 06, 2025

Home SPORTS

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players
Photo courtesy: AA Basketball Camp/Facebook

Tila “new home” ang atake ni dating NorthPort cager John Amores matapos ang pagbubukas niya ng basketball clinic sa Laguna. 

Sa pamamagitan ng Facebook post, ibinahagi ni Amores ang bago niyang pinagkakaabalahan matapos mapaso ang kaniyang lisensya sa Philippine Basketball Association (PBA). 

"Meet me at AA Basketball Camp. Open na po tayo sa mga interesado. Located at CLA Mall Pagsanjan, Laguna," ani Amores.

Matatandaang nasangkot ang basketbolista sa isang pamamaril, kasama ang kaniyang kapatid sa Lumban, Laguna noong Setyembre 2024 matapos ang pagsali niya sa isang lokal na liga kung saan nagkaroon umano sila ng hindi pagkakaintindihan ng kaniyang biktima.

Caloy, pinuluputan si Chloe sa Vietnam

KAUGNAY NA BALITA: PBA player John Amores sumuko sa pulisya; nahaharap sa kasong ‘attempted murder?'

Habang noong Disyembre 2024 nang tuluyang magbaba ng desisyon ang Games and Amusement Board (GAB) at bawiin ang professional license ni Amores. 

KAUGNAY NA BALITA: Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!