October 11, 2024

Home SPORTS

PBA player John Amores sumuko sa pulisya; nahaharap sa kasong ‘attempted murder?'

PBA player John Amores sumuko sa pulisya; nahaharap sa kasong ‘attempted murder?'
Photo courtesy: PBA Media Bureau and GMA News Online

Muling nag-viral ang basketbolistang si John Amores matapos siyang masangkot sa isang shooting incident sa Lumban, Laguna noong Miyerkules, Setyembre 25, 2024.

Ayon sa ulat ng GMA news, nauwi sa pamamaril ang ligang sinalihan ni Amores at biktimang kinilalang si Lee Cacalda matapos umanong hindi magkasundo sa isang contested call sa kasagsagan ng laban sa Barangay Salac kung saan tinatayang ₱4,000 ang umano’y pustahan.

Dalawang beses umanong nagkahamunan ng suntukan sa panig nina Amores at Cacalda hanggang sa humantong ito sa pamamaril umano ng basketbolista sa kaniyang kaaway.

Sa panayam ng GMA News kay Police Major Bob Louis Ortiz, naunang umalis si Amores matapos magkahamunan ng suntukan at bumalik itong may dala ng baril.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

“Mayroon silang tawag na hindi napagkasunduan. Naghamunan ng suntukan sa Brgy. Salac then naunang umalis itong suspek natin tapos sumunod iyong victim, hanggang umabot sila sa Brgy. Maytalang at doon sila nagpang-abot. Naghamunan ulit ng another na suntukan. Then si John Amores ay may dalang baril at pinaputukan na yung ating victim.”

Sa kuha ng CCTV, nahagip nito ang motorsiklong sinasakyan ni Amores na napag-alaman minamaneho ng kapatid niyang 20-anyos, nang habulin nila ang biktima sa Barangay Maytalang Uno. Kita sa nasabing CCTV kung paano bumaba ng motor si Amores at saka binaril si Cacalda.

Samantala, isa pang kapatid ni Amores na nanunungkulan bilang kapitan sa Pagsanjan ang tumawag sa pulisya at sinabing nakatanggap umano ng death threat ang kaniyang mga kapatid, na siya umanong naging dahilan ng pagsuko ng mga ito.

Sumuko nitong Huwebes, 2:00 ng umaga, Setyembre 26, 2024 si Amores at kaniyang kapatid na nahaharap sa kasong attempted murder.

Sa ulat ng pulisya, ligtas naman ang biktimang si Cacalda at wala rin umanong nadamay sa naturang pamamaril.

Matatandaang minsan na ring nasangkot sa gulo si Amores noong 2022 matapos niyang suntukin ang apat na manlalaro mula sa De La Salle College of St. Benilde na magkagiran ang noo’y koponan niyang Jose Rizal University sa National Athletic Association (NCAA) kung saan na-ban siya sa buong liga.

MAKI-BALITA: John Amores, tinanggal na sa JRU basketball team

Taong 2023 naman nang magbukas ang pinto para kay Amores, nang ma-draft siya sa koponan ng Northport sa Philippine Basketball Association (PBA) matapos masipa sa nasabing collegiate league.

Kate Garcia