Naloka ang mga nakapanood na ng pelikulang "Sosyal Climbers" nina Maris Racal at Anthony Jennings na nangunguna sa Netflix dahil sa sandamakmak daw na halikan at lampungan ng dalawa sa kanilang mga eksena!
Matatandaang naging usap-usapan na una pa lamang ang kanilang mga kissing scene nang ilabas ng Netflix ang teaser trailer para sa kanilang pelikula, sa kabila ng mga isyung kinasangkutan nila.
Maging sina Cristy Fermin at Romel Chika, napag-usapan pa nga ang tungkol sa mga halikan nila sa pelikula, sa kanilang radio program na "Cristy Ferminute" noong Marso 4.
Samantala, narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens, lalo na ang mga nakapanood na.
"Beginning of movie, implied love scenes. End of movie, halikan galore. Parang pinipilit talaga ang pag-ibigan nila para ma-justify yung cheating cheating scandal last year. Para tuloy third party ako sa eksena kasi walang consent ko maglalandian lang pala."
"Lupit mo MARIS makipag halikan kay Anthoning"
"Unstoppable pa din!!! Mas lalong naging IN! Just work not normalizing cheating!!!"
"Grabe yung mga halikan nila hahahahaha."
Pero marami naman sa mga netizen din ang pumuri sa hindi matatawarang acting skills at chemistry ng MaThon kahit naintriga man.
"Ang ganda ng #sosyalclimbers!!! Worth it tandem nina Maris at Anthony swak na swak wala ako masabi kundi brrraaaaavvvvooooooo!!!! "
"Loved their acting in this movie! More projects for #mathon please! "
"Ang galing ng acting..."
"Congrats #mathon! Keep up the good work and blessings will continue pouring at your doorstep. Everyone makes mistakes, and what matters is we choose a path to redemption and being better than who we were yesterday! "
"Love this movie! Funny romcom with a twist, very interesting story and very well acted. I 100% recommend this. Congrats mathon !"
KAUGNAY NA BALITA: Maris at Anthony, bibida sa Netflix movie na 'Sosyal Climbers'
KAUGNAY NA BALITA: 'Higupan' nina Maris at Anthony, usap-usapan!