March 06, 2025

Home BALITA National

Heat index sa 5 lugar sa PH, aabot sa 'danger' level sa Biyernes

Heat index sa 5 lugar sa PH, aabot sa 'danger' level sa Biyernes
(Pixabay)

Inaasahang aabot sa “danger” level ang heat index sa limang lugar sa bansa sa Biyernes, Marso 7, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base sa tala ng PAGASA dakong 5:00 ng hapon, posibleng umabot sa “danger level” ang heat index ang mga sumusunod na lugar:

Dagupan City, Pangasinan – 42°C

Iba, Zambales – 42°C

National

WALANG PASOK: Class suspension para sa Biyernes, Marso 7

Ambulong, Tanauan Batangas – 42°C

San Jose, Occidental Mindoro – 42°C

Cuyo, Palawan – 42°C

Ang heat index, ayon sa PAGASA, ay tumutukoy sa pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.

Maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion.”

“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng ahensya.

BASAHIN: Explainer: Ano ang ibig sabihin kung mataas ang ‘heat index’ sa isang lugar?