March 05, 2025

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Chloe San Jose, 'Chloe SJ' na; may paparating pang dalawang kanta!

Chloe San Jose, 'Chloe SJ' na; may paparating pang dalawang kanta!
Photo courtesy: Chloe Anjeleigh San Jose, StarPop (FB)

Mukhang wala na talaga makapipigil pa kay Chloe San Jose sa pag-arangkada ng kaniyang showbiz career sa music industry, dahil sa lalabas na dalawang singles niya sa ilalim ng StarPop music label ng ABS-CBN.

Inaasahang mapakikingan na ang kanta niyang "FR FR" o nangangahulugang "For Real For Real" sa Biyernes, Marso 7, at ang isa naman ay may pamagat na "Nonchalant" na ilalabas sa isa pang Biyernes, Marso 21.

Bukod sa mga bagong ganap na ito ni Chloe, binigyan na rin siya ng alyas na "Chloe SJ."

Hindi naman na bago kay Chloe ang pagkakaroon ng singles dahil noong 2021, inilabas niya ang "Aking Pagmamahal" na ngayon ay tumatabo ng million streams sa Spotify at million views sa YouTube.

Musika at Kanta

Sofronio Vasquez, exclusive artist na ng Star Magic

Noong Setyembre 2024 naman, ikinagulat ng Kapamilya viewers ang pag-perform ni Chloe sa longest-running musical variety show ng ABS-CBN at sa buong bansa, ang "ASAP."

Pasabog sa unang araw ng Setyembre si Chloe na umawit at sumayaw sa awiting "Havana" ng American singer-songwriter na si Camila Cabello.

Si Chloe ay partner ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.