Nagbigay ng reaksiyon si Kapamilya actress Janine Gutierrez sa pagganap ni Jericho Rosales bilang si dating Pangulong Manuel L. Quezon sa pelikula ni Jerrold Tarog.
Sa ulat ng ABS-CBN News noong Sabado, Pebrero 1, sinabi ni Janine na excited daw siyang mapanood ang “Quezon” na bahagi ng trilohiya ng Bayaniverse ng TBA Studios.
“I’m so excited kasi I love historical drama saka ‘yong mga period project lalo na ‘pag tungkol sa Pilipinas so excited ako kasi ang tagal na rin niyang hindi gumawa ng pelikula,” saad ni Janine.
Dagdag pa niya, “And I’m sure everyone is looking forward, not only to the Quezon film, pero him playing [Manuel] Quezon.”
Matatandaang inanunsiyo ng TBA Studios noong Pebrero 18 na si Jericho ang bibida sa naturang historical film na inakala ng marami ay si TJ Trinidad.
Ngunit ayon sa isang ulat, may negosyo raw na tinututukan si TJ sa labas ng showbiz industry kaya hindi nito magagampanan ang role.
Sa kabila nito ay suportado pa rin naman daw ni TJ ang pelikula.
MAKI-BALITA: Jericho Rosales, gaganap bilang Manuel Quezon