March 01, 2025

Home BALITA Internasyonal

Pinakamatandang 'Holocaust survivor' pumanaw na

Pinakamatandang 'Holocaust survivor' pumanaw na
Photo courtesy: AP News

Pumanaw ang umano’y pinakamatandang "Holocaust survivor" sa buong mundo na si Rose Girone sa edad na 113. 

Ayon sa ulat AP news nitong Sabado, Marso 1, 2025, pumanaw si Rose sa isang nursing home sa North Bellmore, New York. 

Ipinanganak si Rose noong Enero 13, 1912 sa Janow, Poland. Habang nasa anim na taong gulang naman umano siya nang lumipat sila ng kaniyang pamilya sa Hamburg, Germany. 

Samantala, batay naman sa isa pang ulat ng international media outlet, tinatayang nasa 250,000 Jewish Holocaust survivors pa raw ang nagkalat sa nasa 90 bansa sa iba't ibang panig ng mundo. 

Internasyonal

Hiker na naligaw sa nagyeyelong bundok ng 10 araw, kinayang mabuhay gamit ang toothpaste

Ang Holocaust ay ang isang sa pinakamadugong pangyayari sa kasaysayan ng mundo kung saan sinasabing nasa ilang milyong mga Hudyo at Rumano ang pinahirapan at pinatay ng noo’y diktador at Nazi leader na si Adolf Hitler. 

Ayon sa naging panayam ni Rose sa isang interview noong 1996, hindi na raw niya naisip na may pangarap pa siya nang magsimula ang genocide sa mga Hudyo.

"Hitler came in 1993 and then it was over for everybody," saad ni Rose.