Usap-usapan ng mga netizen ang mga larawan ng mag-amang Boom at Tony Labrusca na ibinahagi sa Facebook page ng GMA Network.
Ibinalita kasi ng GMA na ang mag-ama ay may kani-kanilang shows sa Kapuso Network ngayon.
Si Boom na padir ni Tony, na nagsimula ang showbiz career noong 90s, ay kasama sa "Lolong: Bayani ng Bayan" na pinagbibidahan ni Coco Martin, habang si Tony naman, leading man ni Herlene Budol sa "Binibining Marikit" na napapanood naman sa GMA Afternoon Prime.
Pero hindi raw maipagkakailang like father, like son daw ang dalawa dahil pareho silang pogi!
Komento pa ng mga netizen, parang magkapatid lang daw sila at hindi mag-ama kapag titingnan ang mga larawan nila together.
May ilan pa ngang nagulat na mag-ama pala sila!
May mga nagsabi pa ngang mas kuya pa raw tingnan si Tony kaysa kay Boom.
Pinuri ng mga netizen si Boom dahil napanatili pa rin daw ang youthful looks.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
" Beg to disagree....di hamak na mas guwapo at mas malakas ang dating ng ama. Nakita ko na nga yang si Tony sa personal, super close up pa, di naman kaguwapuhan."
"kala mo mgkapatid talaga mas mature pa anak nya itsura... parang d ren tumatanda ang father"
"You guys look like brothers only!"
"Mag ama pala sila,Mas matured yung mukha ng anak yung tatay baby face pareho handsome"
"They’re like brothers. Both good looking men!"
"cnoh ung tatay"
"Cute pa rin Boom!"
"parang mag Kapatid lang"
"Nasan ang hustisya mga beh bakit para lang silang magkapatid?"
Si Tony ay anak nina Boom at Filipina singer na si Angel Jones. Ayon sa ulat ng GMA Integrated News, matagal na nanirahan sa North America si Tony bago siya sumali sa "Pinoy Boyband Superstar" ng ABS-CBN noong 2016. Simula noon ay pinasok na niya ang pag-aartista.
Pero sa kasalukuyan, ang misis ni Boom ay ang aktres na si Desiree Del Valle, kung saan biniyayaan sila ng anak, na pinangalanang "Alexander Sebastian." Ikinasal sila noong Enero 14, 2018.
Napanatili raw ni Boom ang magandang pangangatawan dahil sa regular workouts, bukod pa sa dashing na porma niya.