March 10, 2025

Home BALITA Probinsya

Isa pang aso sa Negros Occidental, pinana rin!

Isa pang aso sa Negros Occidental, pinana rin!
Photo courtesy: Contributed photo/Facebook

Isa pang aso sa Murcia, Negros Occidental ang naiulat na pinana umano ng Indian arrow kamakailan.

Ayon sa ulat ng Brigada News nitong Biyernes, Pebrero 28, 2025, kinilala ang aso na si “Bulldog” na nagtamo ng isang tama ng Indian arrow sa bahagi ng kaniyang binti.

Kasalukuyan na umanong umuusad ang imbestigasyon ng Murica Police Station upang magkaroon na umano nang kaliwanagan sa posibleng person of intereest sa pamamana ng aso sa kanilang lugar.

Ito ang ikalawang beses na may asong pinan sa kanilang lugar matapos pumutok sa social media ang sinapit ng asong si TikTok na nauna nang nabiktima ng nasabing pamamana sa lugar.

Probinsya

Panibagong aso, biktima ng pamamana gamit pa rin ang Indian arrow

KAUGNAY NA BALITA: ₱65K pabuya, para sa makakapagturo sa suspek na pumana ng 5 beses sa isang aso

Samantala, ligtas na ag asong si Bulldog at kasalukuyan nang nagpapagaling. Ayon sa ilalim ng Republic Act 8485 o Animal Welfare Act, maaaring makulong ang sinumang mapatunayang umabuso o nagmaltrato sa anumang uri ng hayop.