Isang magnitude 4.1 na lindol ang tumama sa probinsya ng Davao Occidental nitong Huwebes ng madaling araw, Pebrero 27, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 1:41 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 257 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sarangani Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 124 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.