February 25, 2025

Home BALITA National

4.2-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

4.2-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang 4.2-magnitude na lindol ang yumanig sa probinsya ng Surigao del Sur nitong Martes ng madaling araw, Pebrero 25, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 1:05 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 90 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Ayon sa Phivolcs, isang aftershock ang naturang lindol mula sa magnitude 7.4 na yumanig sa baybayin ng Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023.

National

Kiko Pangilinan matapos makapanayam ni Toni Gonzaga: ‘Walang kulay ang gutom!’

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.