February 24, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Pwede ka pa din mahawa ng sakit kahit sinubo mo lang—Doc Alvin

Pwede ka pa din mahawa ng sakit kahit sinubo mo lang—Doc Alvin
Photo courtesy: Pexels

"Bentang-benta" sa mga netizen ang simpleng paalala ng doctor-content creator na si Doc Alvin Francisco, na bagama't walang direktang sinabi kung tungkol saan, ay tila na-gets naman ng mga netizen.

Kilala si Doc Alvin sa paggawa ng content patungkol sa iba't ibang paksang pangkalusugan, na paminsan ay may sundot ng pagiging witty at humorous niya.

Kaya naman, patok sa mga netizen ang mga "one-liner" posts niya na kumikiliti sa imahinasyon ng mga netizen.

Kagaya na lamang ng Facebook post niya na "Pwede ka pa din mahawa ng sakit kahit sinubo mo lang" noong Pebrero 19 na umabot ng 357k laugh reactions, 29k shares, at 21.9k comments.

Human-Interest

'Magkano po semento latte?' Hardware-themed coffee shop, patok sa netizens

Photo courtesy: Doc Alvin Francisco (FB)

Pahabol pa niya, "Stay faithful and always get tested."

Maging ang ilang social media personalities at celebrities ay napakomento rin dito gaya nina Christian Antolin, Miss Everything, at Nikko Natividad.

"Bakit ngayon mo lang sinabi Doc Alvin tapos naa," pabirong hirit ni Christian.

"Juskooooo anong dapat ko inumin doc?" segunda naman ni Miss Everything.

Birong tanong naman ni Nikko, "Doc Alvin pano kung ipapatong lang sa labi?"

Well, hindi man direktang sinabi, subalit ang tinutukoy nga rito ng doktor ay patungkol sa oral sex.

Usapin ito ngayon dahil sa paglobo ng kaso ng mga nahahawa ng human immunodeficiency viruses o HIV, na puwedeng lumala patungong Acquired immunodeficiency syndrome (AIDS).

DELIKADO BA ANG ORAL SEX?

Ayon sa Department of Health (DOH) noong Setyembre 2021 sa kanilang X post, may posibilidad daw na makakuha ng sakit, partikular ng HIV ang isang tao sa pamamagitan ng oral sex.

"Usapang Oral Sex in the morning? Why not diba? Nakukuha ba ang HIV sa oral sex? "

"May posibilidad na magkaroon ng HIV ang isang tao through oral sex. Kapag meron kang mouth sores o mga sugat sa loob ng bibig, pwede itong pasukan ng semen or vaginal fluid."

Photo courtesy: Screenshot from DOH (X)

"Kaya beshie, kahit sa oral sex, dapat umAwraSafely!"

"Beshie, tandaan na may mga factor din na maaaring makadagdag sa panganib upang mailipat ang HIV tulad ng oral ulcer, pagdurugo ng gilagid, mga genital sores, at sexually transmitted infections."

Photo courtesy: Screenshot from DOH (X)

Kaya naman, kung hindi talaga mapipigilan ang oral sex, kung hindi makaiiwas, inirerekomenda ang paggamit ng proteksyon gaya ng condom.