February 23, 2025

Home BALITA

Maglola patay matapos maanod sa imburnal

Maglola patay matapos  maanod sa imburnal
Photo courtesy: Contributed photo/Facebook

Patay ang isang 60-anyos na lola matapos siyang maanod sa isang imburnal habang sinusubukan umanong hanapin ang kaniyang 9 na taong gulang na apo na naunang tangayin ng rumaragasang tubig sa naturang imburnal sa Bacacay, Albay.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News noong Sabado, Pebrero 22, 2025, noong Biyernes narekober ang katawan ng lola na napag-alamang tinangay hanggang sa isang ilog habang Sabado na nang umaga ng makuha ang mga labi ng kaniyang apo. 

Matatandaang nakaranas ng matitinding pag-ulan ang Albay maging ang kanilang karatig probinsya bunsod ng pag-iral pa rin ng Shearline. 

Sinasabing ang baha na nanggaling sa naturang lugar ay nanggagaling umano sa Bulkang Mayon. Nananawagan na rin ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Bacacay upang malagyan na raw ng iron grill ang imburnal. 

National

CIDG chief Torre, pinuri ng mga kongresista sa pagtindig kontra 'fake news'

Samantala, nagpaabot na rin ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng mga biktima.