February 23, 2025

Home SHOWBIZ

Mavy Legaspi, 'Kapuso Royal Tropa ni Kuya' sa PBB Celebrity Collab Edition

Mavy Legaspi, 'Kapuso Royal Tropa ni Kuya' sa PBB Celebrity Collab Edition
Photo Courtesy: Sparkle GMA Artist Center (FB)

Nadagdagan ng isa pang Kapuso host ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition sa pagpasok ni Sparkle artist Mavy Legaspi sa eksena.

Sa isang Facebook post Sparkle GMA Artist Center nitong Biyernes, Pebrero 21, inanunsiyo nila na si Mavy raw ang magiging ‘Kapuso Royal Tropa ni Kuya.’

“Isang ‘royal’ welcome para sa ating bagong makaka-collab! Welcome sa pamilya ni Kuya, Mavy Legaspi — ‘Ang Kapuso Royal Tropa ni Kuya’! ” saad sa caption ng post.

Matatandaang nauna nang ianunsiyo noong Pebrero 9 na si Kapuso actress Gabbi Garcia ang makakasama nina Robi Domingo at Bianca Gonzalez bilang sa bagong edisyon ng PBB.

Elisse Joson, 'di kayang makita isilid sa sako ang anak: 'Even as work lang!'

MAKI-BALITA: Gabbi Garcia, Kapuso host ng 'Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab'

MAKI-BALITA: Robi Domingo, Bianca Gonzalez hosts ng PBB collab; sinong Kapuso stars ang makakasama?

Samantala, magsisimula naman ang patok na reality show sa bansa sa darating na Marso.

MAKI-BALITA: PBB Celebrity Collab Edition, magsisimula na sa Marso!