May 22, 2026

Home BALITA National

‘Service contracting,’ hanggang Mayo 22 na lang; ₱10/L subsidy, ikinasa na sa buong bansa

‘Service contracting,’ hanggang Mayo 22 na lang; ₱10/L subsidy, ikinasa na sa buong bansa
Photo courtesy: LTFRB (FB)

Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hanggang Biyernes, Mayo 22, na lamang ang implementasyon ng Land-Based Service Contracting Program (LBSP). 

Batay sa pahayag ng LTFRB nitong Martes, Mayo 19, ang programa ay magtatapos ng 11:59 ng gabi sa Mayo 22, na itinuturing na last working day ng maraming manggagawa sa linggong ito. 

Sa kabila ng pagtatapos na ito ng LBSP, tiniyak naman ni LTFRB Chairman Atty. Vigor D. Mendoza II na magpapatuloy ang kaniyang pagtulong sa drivers sa pamamagitan ng ₱10 per liter discount, na ikinasa na sa buong bansa matapos ang matagumpay nitong dry-run sa Metro Manila. 

Ibinahagi pa ng LTFRB na sa kasalukuyan, may 141,724 units ng mga jeep at Utility Vehicle (UV) Express ang benepisyaryo ng fuel subsidy program, na tumutulong sa mga itong magkaroon ng discount sa diesel. 

Batay rin sa aprubadong guidelines ng ahensya, ang gas stations na kasali sa programa ay kinokonekta sa database ng pamahalaan sa pamamagitan ng mobile app, na naglilista ng mga kwalipikadong benepisyaryo. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Sa programa ring ito, tanging ang Public Utility Vehicles (PUVs) na may valid at existing franchise ang makakabilang sa database. 

Tiniyak din ni Vigor na ang lahat ng kanilang personnel ay nasabihan hinggil sa nalalapit na pagtatapos ng LBSP.

“You are directed to inform all onboarded beneficiaries under the LBSCP to cease and discontinue all activities related to the implementation of the program upon the expiration of the aforementioned date and time,” saad ng LTFRB. 

Matatandaang sa pamamagitan ng LBSP, ibinibigay ang 20% diskwento sa lahat ng regular na pasahero at 40% naman sa mga estudyante, senior citizens, at persons with disability (PWD). 

Una rin itong umarangkada noong Abril 15, upang matiyak na magpapatuloy ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan sa kasagsagan ng krisis sa langis at enerhiya sa bansa. 

MAKI-BALITA: ALAMIN: Benepisyo ng ‘Service Contracting Program’ sa commuters at drivers sa kasagsagan ng krisis