February 22, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Barbie Forteza kay David Licauco: 'Tayo na lang kaya?'

Barbie Forteza kay David Licauco: 'Tayo na lang kaya?'
Photo Courtesy: Sparkle GMA Artist Center (IG)

Kinakiligan ng mga netizen ang palitan ng magka-love team na sina Barbie Forteza at David Licauco at kilala sa bansag na “BarDa.”

Sa isang Instagram reels kasi kamakailan, inusisa nina Barbie at David ang isa’t isa kung crush sila ng crush nila. 

“Crush ka ba ng crush mo?” tanong ni David.

“Hindi, e,” sagot naman ni Barbie. “Ikaw, crush ka ba ng crush mo?”

Relasyon at Hiwalayan

Kris Aquino, single na ulit!

“A, sana.”

“Hindi mo sure. Sayang, “ sabi ng aktres. “Tayo na lang kaya?”

“Sige,” mabilis namang tugon ni David.

Dahil dito, nagkagulo ang mga fanney ng BarDa sa comment section. Narito ang ilan sa kanilang mga reaksiyon.

" jusko!!! Bakit hindi na lang totohanin!!!"

"Hoyy, kalmahan nyo lang BarDa kinikilig ako "

"Huy im not ready teka nagluluto pa ko eeeee"

"Ang bilis ng 'sige' "

"Grabee! Naiyak ako! If u guys can only see me laughing and crying here! Ba’t ganito effect ng barda sa kin? Happiness overload! "

"Yay!!! Super kilig ang magbb!"

Matatandaang nagsimulang mag-boom ang love team nina David at Barbie nang magkasama sila sa hit fantasy-dramang “Maria Clara at Ibarra” ng GMA Network noong 2023.

At ngayong pareho na silang single, lalong umaasa ang fans na magkatuluyan ang dalawa in real life.

MAKI-BALITA: Matapos 7 taon: Barbie Forteza, Jak Roberto break na!