Mula na mismo kay Kapamilya heartthrob Sam Milby ang kumpirmasyong matagal na silang hiwalay ng kaniyang ex-girlfriend na si Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Naganap ang pag-amin sa media conference ng "Saving Grace" na malapit nang ipalabas sa telebisyon.
Matatandaang pinag-usapan ng mga netizen ang naging engagement ng dalawa noong 2023, subalit matapos niyon ay wala nang balita patungkol naman sa preparasyon ng kanilang kasal.
Hanggang sa lumutang na nga ang mga tsikang mukhang hiwalay na ang dalawa dahil hindi na sila nakikitang nagpo-post ng mga larawan o video together.
Ang huli nga ay nang maispatang emosyunal si Catriona nang manood ng concert ng singer na si TJ Monterde.
MAKI-BALITA: Catriona 'naiyak' sa kanta ni TJ; sigaw ng netizens online, 'Shot puno!'
Nang matanong kung okay sila ng ex, sinabi ni Sam na okay naman sila, pero kung tatanungin kung sila pa ba, sinabi ni Sam na "No."
"Kami ni Cat, we've always been private about our relationship. We share certain things noong na-engaged kami, but in terms of the details, and buhay namin, we haven't really shared."
Ayon pa kay Sam, nag-move on na raw siya at nagdesisyon na lamang na mas mag-focus sa trabaho.
Paglilinaw naman ni Sam, wala raw third party issue sa kanilang relasyon noon, lalo na nang ma-link si Sam sa OPM singer na si Moira Dela Torre.
"There was never a third party sa amin ni Cat. That needs to be cleared. There is no truth to it at all," aniya.
MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Catriona at Sam, hiwalay na raw