February 21, 2025

Home BALITA Politics

Raffy Tulfo, walang ambisyon sa mas mataas na posisyon

Raffy Tulfo, walang ambisyon sa mas mataas na posisyon
Photo Courtesy: Raffy Tulfo (FB)

Inamin ni Senador Raffy Tulfo na wala raw siyang ambisyong maluklok sa mas mataas na posisyon sa gobyerno.

Sa latest episode ng “Morning Matters with Gretchen Ho” sa One PH nitong Martes, Pebrero 18, sinabi ni Tulfo na masaya na raw siya bilang senador.

“Wala akong ambisyon for higher office. Wala talaga. Happy na ako sa pagiging isang senador. Kasi mas effective ako, I think and some people think,” saad ni Tulfo.

Dagdag pa niya, “Every now and then what really makes me happy and comforts me [...] out of this huge problem that I have, especially sa mga basher, kapag nababasa ko sa mga comment section na ‘hindi po nasayang ang boto ko sa ‘yo, senador.’”

Politics

Ilang Pinoy, mas pabor umano sa mga 'Marcos' kumpara sa mga 'Duterte'<b>—OCTA Research</b>

Matatandaang si Tulfo ang napupusuang maging presidente sa 2028 batay sa isinagawang survey ng Pulse Asia Research noong Marso 6 hanggang Marso 10.

MAKI-BALITA: Raffy Tulfo, bet ng tao maging presidente sa 2028