May 22, 2026

Home BALITA Politics

Nasa 900 pulis, naka-deploy sa paligid ng Senado sa pag-convene ng impeachment court

Nasa 900 pulis, naka-deploy sa paligid ng Senado sa pag-convene ng impeachment court
Photo courtesy: MB file photo

Umabot sa 900 kapulisan ang kinailangang i-deploy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa paligid ng labas ng Senado kasabay ng nakatakdang pag-convene ng impeachment court nitong Lunes, Mayo 18, 2026.

MAKI-BALITA: SP Cayetano, sinulatan mga senador; impeachment court magko-convene sa Mayo 18

Nananatili pa ring nakakabit ang mga barbed wire sa gate ng Senado na ikinabit pa noong nakaraang linggo matapos ang naging biglaang pagsulpot doon ni Sen. Ronald "Bato" dela Rosa.

Nitong Lunes, inaasahang sasalubungin ng mga kilos-protesta ang pag-convene ng impeachment court. 

Kumpirmada na rin na sa  ganap na 1:00 ng hapon nakatakdang isagawa ang protesta ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN). Bitbit nila ang panawagang tuluyang mapatalsik sa posisyon si Vice President Sara Duterte.

Politics

Sen. Loren, niligwak na rin ng Kislap Diwa na pinangangasiwaan niya!

Samantala, patuloy ding nakaalerto ang hanay ng Philippine National Police (PNP) sa paligid at mga daanan patungong Senado upang maiwasan ang nangyaring gulo noon bunsod ng naging presensya ni Dela Rosa.

Matatandaang noong Mayo 14 nang magkaroon ng palitan ng putukan sa tropa ng Office Sergeant-At-Arms (OSAA) at umano’y panig ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa ambang paghuli kay Dela Rosa.

Si Dela Rosa ay nahaharap sa arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng naging madugong kampanya kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nauna na ring naaresto noong Marso 2025.

KAUGNAY NA BALITA: 'Sen. Bato is okay!' SP Cayetano, nilinaw na ligtas sa putukan si Sen. Bato

Mainit ding binabantayan ng mga awtoridad ang girian sa hanay ng mga demonstrador hinggil sa umuugong na panibagong kudeta sa Senado kung saan nakatakda rin umanong mapatalsik sa puwesto ang bagong upong Senate President na si Sen. Alan Peter Cayetano.

KAUGNAY NA BALITA: 'Mas importante sa inyo ang 2028!' SP Cayetano, binanatan Senate Minority bloc