May 21, 2026

Home BALITA Politics

'Mas importante sa inyo ang 2028!' SP Cayetano, binanatan Senate Minority bloc

'Mas importante sa inyo ang 2028!' SP Cayetano, binanatan Senate Minority bloc
Photo courtesy: MB File photo

Ilang araw matapos makaupo bilang Senate President, tinlakana ni SP Alan Peter Cayetano ang minorya ng Senado hinggil sa isyu ng kaniya umanong pamumuno.

Sa pagharap niya sa media, tahasnag iginiit ni Cayetano na tila ang 2028 National Elections lang daw ang pinagtutuunan ng pansin ng bagong minoya ng Senado.

"Kayo sa Minority, mas importante sa inyo ang 2028 [elections]... ang Senate presidency?" ani Cayetano sa media nitong Biyernes, Mayo 15, 2026.

Binakbakan din ni Cayetano ang mga naratibong nagkagulo raw ang Senado magmula nang maupo siya bilang Senate President at iginiit na sinasakyan daw ito ng minorya.

"You're willing to see the Senate that way, and you're willing to join the narrative, to flip the narrative to say, "Since I got here, magulo na ang Senate," aniya pa.

Politics

Sen. Loren, niligwak na rin ng Kislap Diwa na pinangangasiwaan niya!

Pahabol pa niya, "Kailan naging crime ang maging Senate president?"

Noong Lunes, Mayo 11 nang magsagawa ng Senate coup ang Duterte bloc na kinabibilangan ni Cayetano kung saan matagumpay nilang napatalsik sa pagka-Senate President si Sen. Tito Sotto III.

Sa batong 12-9, nakuha ni Cayetano ang liderato ng Senado habang kabilang naman si Ejercito at Sen. Migz Zubiri sa dalawang senador na nag-abstain. 

Dahil sa naturang reorganisasyon, idineklarang bakante ang lahat ng posisyon sa Senado kabilang ang mga committee chairmanships, na naging dahilan din ng pagkansela ng ilang pagdinig ng mga komite.  

Si Cayetano ang ikatlong Senate President simula nang nagbukas ang ang 20th Congress noong 2025.

Matatandaang si Sen. Chiz Escudero ang Senate President nang magbukas ang 20th Congress subalit pinatalsik siya sa kaniyang liderato matapos magkudeta noon ang paksyon ni Sotto.

Habang naging kontrobersyal naman ang pag-upo ni Cayetano bilang Senate President matapos magkaroon ng barilan sa pagitan ng Office of Sergeant-At-Arms (OSAA) at mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) bunsod ng nakaambang paghuli kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa noong Miyerkules, Mayo 13.

MAKI-BALITA: 'Anything is Possible!' Sen. JV, nagkomento sa umuugong na bugso ng Senate coup