Sumagot si Sen. JV Ejercito sa muling banta ng panibago na namang pagpapalit ng liderato ng Senado.
Sa panayam ng media kay Ejercito nitong Biyernes, Mayo 15, 2025, iginiit niyang lahat ay posible hinggil sa liderato ng Senado.
“Anything is possible. Kahit naman yung kay Senator Sotto, 15 yung majority, 9 yung minority.... Anything is possible. Na as we go along, kung mayroong reason. The leadership serves the pleasure of the senators,” anang senador.
Matatandaang noong Lunes lamang, Mayo 11 nang bumulaga ang kudeta ng Duterte block laban sa liderato noon ni Sen. Tito Sotto III kung saan nailuklok na gaong Senate President si SP Alan Peter Cayetano.
Sa batong 12-9, nakuha ni Cayetano ang liderato ng Senado habang kabilang naman si Ejercito at Sen. Migz Zubiri sa dalawang senador na nag-abstain.
Dahil sa naturang reorganisasyon, idineklarang bakante ang lahat ng posisyon sa Senado kabilang ang mga committee chairmanships, na naging dahilan din ng pagkansela ng ilang pagdinig ng mga komite.
Sa talumpati ni SP Cayetano sa sesyon ng Senado noong Lunes, Mayo 11, pinagbalik-tanaw niya ang mga kapuwa senador dalawang dekada ang nakalilipas.
“Ngayon lang naman po tayo may division, e, dahil mabigat ang politika. Pero actually, we worked together,” saad ni Cayetano.
Pagpapatuloy niya, “Can we go back to twenty years from now and let me tell you what I told the group last night, no'ng nag-meeting kami. Basta lahat ng gagawin natin, huwag tayong magsisisi. Huwag tayong gagawa ng pagsisihan natin.”
KAUGNAY NA BALITA: Cayetano sa mga kapuwa senador: 'Feel free to call me out!'