March 12, 2025

Home BALITA National

4.3-magnitude na lindol, tumama sa Davao Oriental

4.3-magnitude na lindol, tumama sa Davao Oriental
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Davao Oriental dakong 9:15 ng umaga nitong Lunes, Pebrero 17, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Namataan ang epicenter nito 86 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental, na may lalim na 76 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

ALAMIN: Ang posibleng detention center ni FPRRD sa ICC

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.