February 22, 2025

Home SHOWBIZ

Moira Dela Torre, naisahan ang mga netizen: 'Ibang Sam pala!'

Moira Dela Torre, naisahan ang mga netizen: 'Ibang Sam pala!'
Photo Courtesy: Screenshots from Moira Dela Torre (YT)

Tila pasimpleng sinakyan ni singer-songwriter Moira Dela Torre ang intrigang umaaligid sa kanila ng aktor na si Sam Milby.

Sa latest Facebook post ni Moira noong Sabado, Pebrero 15, ibinahagi niya ang kalalabas lang na music video ng kanta niyang “San Ka Na.”

“San Ka Na — Official Music Video Starring Sam & Me out now ” saad ni Moira sa caption.

Ngunit kung bibisitahin ang “Sam” na naka-tag sa post, si Sam Concepcion ang tinutukoy ni Moira na kasama niya sa music video.

Relasyon at Hiwalayan

Kris Aquino, single na ulit!

Umani tuloy ang post ng samu’t saring reakisyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"ibang sam laro ka HAHAHAHAHAHAHAHAHHAAHHAHA"

"ibang Sam pala eh ahahhaha"

"Ayyy may paandar"

"Pustahan pinindot nyo yung Sam "

"I love ettttt HAHAHAHAH go ate moiii. Love the silent rebat "

"Ayannnn ka na nman lods! Pero ba't kayo bagaaayyy ni Sam C "

"ang galing galing moooo pwede for best actress!! "

"That's why I like you. "

Matatandaang kamakailan ay usap-usapan ang pag-unfollow ni Sam kay Moira sa IG at ng iba pang Cornerstone artists.

Bukod dito, lumutang din ang video clip kung saan mapapanood na tila iniwasan ng jowa ni Sam na si Miss Universe 2015 Catriona Gray si Moira sa isang event.

MAKI-BALITA: Catriona iniisyung inisnab, nilagpasan ng beso si Moira sa isang event