May 17, 2025

Home BALITA National

4.1-magnitude na lindol, tumama sa Bukidnon

4.1-magnitude na lindol, tumama sa Bukidnon
Courtesy: Phivolcs/FB1

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Bukidnon nitong Linggo ng umaga, Pebrero 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 6:19 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 1 kilometro ang layo sa timog-silangan ng San Fernando, Bukidnon, na may lalim na 4 kilometro.

Naiulat ang Instrumental Intensity III sa San Fernando, BUKIDNON.

National

Sen. Imee sa 'di pagbanggit kay PBBM sa speech: 'Ay, nakalimutan ko na!'

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.