Hindi nagilan ng TV host at komedyanteng si Melai Cantiveros na magbigay ng reaksiyon sa Valentine’s Day photo nina celebrity couple Jericho Rosales at Janine Gutierrez.
Sa isang Instagram post kasi ni Jericho noong Biyernes, Pebrero 14, makikita ang black and white picture nila ni Janine sa swimming pool.
"Vday kids" saad ni Jericho sa caption.
Komento naman ni Melai, “Aray "
Umani naman ng samu’t saring hanash mula sa mga netizen ang komentong ito ni Melai. Narito ang ilan sa kaniilang mga reaksiyon:
" I feel you momsh! "
"makita ka ng anak mo"
"hahahahahahahaha hvd ate melai. Tulog na sguro si kuya jason hehehe"
"HAHAHAHHAHA mamshie move on tayo"
"hahahahaha u made my day melai!!! nalingaw ko!!! ka imagine ko sa imong fez"
"hahaha bigay mo na kay iris pag di mapunta sa kanya si Tyrone baka ano mangyari sa ating lahat "
Matatandaang si Jericho ang itinuturing na “forever crush” ni Melai. In fact, kahit noong housemate pa lang siya sa Pinoy Big Brother ay inamin na niya ang tungkol dito.