February 16, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

Matapos humirit kay Coco: Andrea, ready nang sumabak sa 'Batang Quiapo'

Matapos humirit kay Coco: Andrea, ready nang sumabak sa 'Batang Quiapo'
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN Entertainment (YT)

Inihayag ni Kapamilya star Andrea Brillantes ang kaniyang nararamdaman ngayong makakabilang na siya sa hit primetime series na “FPJ’s Batang Quiapo.”

Sa ginanap na "Tatak BQ: The FPJ's Batang Quiapo 2nd Anniversary Special" kamakailan, sinabi ni Andrea na bagama’t nape-pressure ay mas grateful daw siya.

“Kasi grabe ang mga kasama ko rito. Naii-starstruck din po talaga ako kasi mga icons at skilled veterans at nirerespeto ang mga pangalan nila kaya kinakabahan ako. But at the same time, hindi ko hahayaan na magpadala ako sa kaba na 'yon,” saad ni Andrea.

“And I will make sure to put it into good use and make that pressure into motivation to be better,” pagpapatuloy niya. “And hindi ko ini-expect, siyempre I'm not really at par with everyone here but with this I'm excited to see kung mago-grow ba ako sa an actor. Kasi iba 'yong experience dito sa BQ.”

Teleserye

Ruru, 'di kalaban tingin kay Coco: 'Sobrang iniidolo ko po siya'

Dagdag pa ng aktres, “Excited po ako for what's to come for me. And thank you so much po direk Coco [Martin], thank you."

Ayon kay Andrea, matagal na raw talaga niyang hinihiling na mapasabak sa action genre. Kaya naman nang nagkaroon siya ng pagkakataon ay pabiro niyang hiniritan si Coco.

Lahat ni Coco, “Nag-usap lang kami sa birthday ni Tita Cory [Vidanes]. Sabi niya, 'Pa-guest naman sa 'Batang Quiapo.' [Sabi ko] 'Gusto mo ba? Sige.' Akala niya wala lang 'yon.”

“Kinabukasan pinaayos ko agad 'yong script, inaayos ko agad 'yong kuwento, pinatawagan ko agad siya. Hindi siya makapaniwala. Kaso lang that time, si Andrea may mga schedule kaya hindi natuloy," dugtong pa ng Kapamilya Primetime King.